Wag maging Tuso, Itigil ang Pagtotroso
Pagnilayan at masdan mo ang ating kapaligiran. Itikom ang iyong bibig, imulat ang iyong mga mata at pakinggan mo ang paligid. Wala kabang napapansin na pagbabago? O sadyang nagbubulag-bulagan ka lamang? Kung dati ay marami kapang nakikitang mga ibon na malayang lumilipad sa kahanginan at ang kanilang mga huni ay naging sandalan mo at nagtatanggal ng iyong mga problema, ganito parin ba ngayon? Dati ay humihinga pa tayo ng sariwang hangin, ngunit hindi na ngayon, malabo na. Damdamin mo ang nakapapasong init ng araw nang sa ganon maramdaman at mapansin mo ang mga pagbabago sa mundo. Saksi ang oras at panahon sa pagbabagong ito. Pati na nga ang mga tala sa kalangitan ay naging saksi narin.
Ang kahapon ay iba sa ngayon. Sa bawat paglipas ng panahon, iba't ibang pagbabago ang umahon. Alam mo ba kung sino at ano sanhi nito? Ang ngayon ay produkto ng kahapon. At ang kinabukasan ay magiging produkto ng kasalukuyan. Bilang tao na nabubuhay sa mundo, mayroon tayong pangangailanagan. Nasa mundo ang lahat. Lahat ng pangangailangan natin kayang ibigay nito. Pero, ang tanong " Naging mapasalamatin ba tayo sa lahat ng biyayang natanggap natin?" Hindi, imbis na magpasalamat naging hangal tayo. Hindi tayo nakuntento sa mga bagay na ibinigay nito at lalong naging tuso. Dati-rati ang kabundukan ay kulay berde dahil sa mga punong kahoy na nakabalot nito, ngunit ngayon naging mabuhangin ito. Bakit? dahil sa walang tigil na pagpuputol ng mga punong kahoy na naging sanhi ng pagguho ng lupa lalong lalo na sa mga lupain sa kabundukan. Hindi lang ang pagguho ng lupa ang masaklap na epekto ng walang tigil na pagputol ng mga punong kahoy. Binabago rin nito ang pattern ng klima sa daigdig. Nagkakaroon tayo ng Climate Change dahil dito. Ang masaklap pa ay mas humahaba ang panahon ng tagtuyo kung saan lumiliit ang ani ng mga magsasaka. At sa panahon ng tag-init, may bagyong biglaang darating resulta nito ang maliit na naman na ani.
![]() |
Retrieve from http://atinglikasyaman.tumblr.com/post/94175046380/mga-masasamang-suliranin-ng-ating-likas-na-yamang?fbclid=IwAR3vNme4SGVz6keEolSEqDpHK9AmN3squf8VyEOtHkrLkhO8b5btIij6Ga0 |
No comments:
Post a Comment