Kababayan maging responable ka naman
Pagnilayan ang karagatan at damhin ang kamalian ng iilan na
tinatamasa ng karamihan. Masakit isipin na ang mga tao'y sakim, hindi
nakokuntento sa mga bagay na nasa kanila o mga bagay na kanilang nakukuha, palaging "mas marami" ang kelangan nila. Tandaan naman sana natin na
hindi lang ang mga tao ang nangangailangan ng kalinga at pangangalaga. Mga hayop ay isa lamang sa maraming lahi na naninirahan dito sa mundo,ang mga
isda ay hindi maitatanging na kinakailangan natin para sa ating kalusugan at
naging malaking parte na ng ating sistema at sa pang araw araw nating pamumuhay. Naiintindihan ko naman na kailangan
ng mga mangingisda ng pera para mabuhay ang kanilang pamilya, pero sana naman
ay hindi sila mapunta sa ilegal na pangingisda. Hindi na gaya noon, marami nang pagbabago na naganap sa mundo, ang patuloy na pag ikot nito ay sumasalain sa bagong henersyon. karamihan sa mga ito'y mga iresponsable at pabaya. Sa patuloy na pagbabago ng panahon ay ang pag kawala ng ganda ng mundo na minsang mayroon tayo.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEif7LbUR3wK8hrx4SLGroOwfoHYGTD7HXtTN9De9AKAwsgMvf-45B_YfJO4AjjZn6KLci3Tst7Xfk2X3CaneXoBNPhsJOy0-mHxv8MhD26aLxr5NZg30XNJABb3ZHpL19e2DQwqfQN6_zE/s320/trawling+1.jpg) |
Retrieve at http://farmerjtrawling.blogspot.com/ |
Matuto sanang makuntento at makonsensya ang mga tao. Sa
patuloy na pagbabago ng mundo mga bagong teknolohiya ang ating nakikilala na
mas nagiging mapanganib ito gaya ng trawl fishing. Isang uri ng pangingisda na
gumagamit ng maliliit na butas sa lambat upang makakuha ng mas marami, at dahil narin sa kahirapan ng bansa
di nag aalinlangan ang mga mangingisda na may binubuhay na pamilya na gamitin
ang ganitong paraan.Pero isipin mo! ang kinakain ng iyong pamilya ay galing sa maling paraan. Sana naman ay maintindiham nyo ang mga salitang "pawis at pagod". Pawis at pagod kasi sana ang kailangan,Para sa akin para naring nawala ang yong dignidad bilang
tao kung patuloy na gagamitin ang mga ilegal na mga paraang ito. Ang mga salita ko'y di kasing importante kompara sa diyos pero sana'y ako ay pakinggan dahil mga salita koy may laman. Marami namang ligtas na paraan., gaya ng pamimingwit nakakahuli ka naman ng isda nun! di mo kailangan manira upang makakakuha. Sa paggamit ng dynamite fishing di lang isda ang nanganganib pati narin ikaw mismo. Hindi natin alam ang mga aksidenteng maaring mangyari. Kaya bago pa malagay sa anumang aksidente gamitin ang ligtas na paraan.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhtZxsyVFEPN6LYUPKZage8Wusm4rDH0NGgvagLovhOm4Bg4Fhn6eBm_4R6SEigRw4ozp5GNeRqPAzGE9BZmuZAcWZf-kRjbYNxa2mKoGypCZfCDLmfZWwl88KzvjJcaSxRh3qQw1feuW8/s320/dynamite-fishing.jpg) |
Retrieve at http://philippineslifestyle.com/banged-up-dynamite-fishermen-arrested-in-carles-iloilo/ |
Marami rin namang ibang paraan na nakaka apekto sa
pangingisda, gaya ng polusyon. Ito ang isang bagay na tayong lahat ang gumawa,
may pagkakataong di natin namamalayan ang mga nagawang kasalanan pero mga tao! mga
kababayan kayo'y maging responsable naman. Sa pag babago ng mundo sana ay unti
unting mabago ang mga masasamang gawain ng mga tao. Itama ang minsang naging
kamalian nang mga problema'y maibsan. Habang maaga pa ay karagatan, kabukiran o sa mas madaling salita ang ating kalikasan ay pangalagaan! Kababayan maging responsable naman.
![Members](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjPQxiaFfosXtiD9tn_fPf1fim7BMn9B6KZO9fnJxtzMxrirdpGpfizB8zJeM32-av5YrshZU31t71dLY8P9SeiVc0HWK7Dq6yb3b4X5eraIoFYMdX9zZcJ5BkJuxONPJm_nrE5pDgkm38/s200/54515271_2108653519218891_1975014949851758592_n.jpg) |
Retrieve by Rica Jean Herebias |
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi0goryWjcsJgJuuxHKJjr_wz4TxBeLq1YXe2Qhim8HLgBbiCouDkf9ADqttnGvyi7dxK9y-v0o74NXm2kS3-s_lxAyTU_DhG2iOMcT0HEd4C-hdtqNAN9q5puG44zDsO5Zbk2zZVMjlJQ/s200/53701922_426667621417443_8772022268839591936_n.jpg) |
Members: Marish Amaba, Sarah Jane Anoba, Diane Marie Cabantugan, Leydie Fatima Cabantugan, Ma. Dhanika Flores, and Rica Jean Herebias
|
No comments:
Post a Comment