Friday, March 8, 2019


       Kababayan  maging responable ka naman

     Pagnilayan ang karagatan at damhin ang kamalian ng iilan na tinatamasa ng karamihan. Masakit isipin na ang mga tao'y sakim, hindi nakokuntento sa mga bagay na nasa kanila o mga bagay na kanilang nakukuha, palaging "mas marami" ang kelangan nila. Tandaan naman sana natin na hindi lang ang mga tao ang nangangailangan ng kalinga at pangangalaga. Mga hayop ay isa lamang sa maraming lahi na naninirahan dito sa mundo,ang mga isda ay hindi maitatanging na kinakailangan natin para sa ating kalusugan at naging malaking parte na ng ating sistema at sa pang araw araw nating pamumuhay. Naiintindihan ko naman na kailangan ng mga mangingisda ng pera para mabuhay ang kanilang pamilya, pero sana naman ay hindi sila mapunta sa ilegal na pangingisda. Hindi na gaya noon, marami nang pagbabago na naganap sa mundo, ang patuloy na pag ikot nito ay sumasalain sa bagong henersyon. karamihan sa mga ito'y mga iresponsable at pabaya. Sa patuloy na pagbabago ng panahon ay ang pag kawala ng ganda ng mundo na minsang mayroon tayo.  
Retrieve at http://farmerjtrawling.blogspot.com/

     Matuto sanang makuntento at makonsensya ang mga tao. Sa patuloy na pagbabago ng mundo mga bagong teknolohiya ang ating nakikilala na mas nagiging mapanganib ito gaya ng trawl fishing. Isang uri ng pangingisda na gumagamit ng maliliit na butas sa lambat upang makakuha ng mas marami, at dahil narin sa kahirapan ng bansa di nag aalinlangan ang mga mangingisda na may binubuhay na pamilya na gamitin ang ganitong paraan.Pero isipin mo! ang kinakain ng iyong pamilya  ay galing sa maling paraan. Sana naman ay maintindiham nyo ang mga salitang "pawis at pagod". Pawis at pagod kasi sana ang kailangan,Para sa akin para naring nawala ang yong dignidad bilang tao kung patuloy na gagamitin ang mga ilegal na mga paraang ito. Ang mga salita ko'y di kasing importante kompara sa diyos pero sana'y ako ay pakinggan dahil mga salita koy may laman. Marami namang ligtas na paraan., gaya ng pamimingwit nakakahuli ka naman ng isda nun! di mo kailangan manira upang makakakuha. Sa paggamit ng dynamite fishing di lang isda ang nanganganib pati narin ikaw mismo. Hindi natin alam ang mga aksidenteng maaring mangyari. Kaya bago pa malagay sa anumang aksidente gamitin ang ligtas na paraan.

Retrieve at http://philippineslifestyle.com/banged-up-dynamite-fishermen-arrested-in-carles-iloilo/

     Marami rin namang ibang paraan na nakaka apekto sa pangingisda, gaya ng polusyon. Ito ang isang bagay na tayong lahat ang gumawa, may pagkakataong di natin namamalayan ang mga nagawang kasalanan pero mga tao! mga kababayan kayo'y maging responsable naman. Sa pag babago ng mundo sana ay unti unting mabago ang mga masasamang gawain ng mga tao. Itama ang minsang naging kamalian nang mga problema'y maibsan. Habang maaga pa ay karagatan, kabukiran o sa mas madaling salita ang ating kalikasan ay pangalagaan! Kababayan maging responsable naman.

Retrieve by Rica Jean Herebias
Members: Marish Amaba, Sarah Jane Anoba, Diane Marie Cabantugan, Leydie Fatima Cabantugan, Ma. Dhanika Flores, and Rica Jean Herebias




Wag maging Tuso, Itigil ang Pagtotroso

    Pagnilayan at masdan mo ang ating kapaligiran. Itikom ang iyong bibig, imulat ang iyong mga mata at pakinggan mo ang paligid. Wala kabang napapansin na pagbabago? O sadyang nagbubulag-bulagan ka lamang? Kung dati ay marami kapang nakikitang mga ibon na malayang lumilipad sa kahanginan at ang kanilang mga huni ay naging sandalan mo at nagtatanggal ng iyong mga problema, ganito parin ba ngayon? Dati ay humihinga pa tayo ng sariwang hangin, ngunit hindi na ngayon, malabo na. Damdamin mo ang nakapapasong init ng araw nang sa ganon maramdaman at mapansin mo ang mga pagbabago sa mundo. Saksi ang oras at panahon sa pagbabagong ito. Pati na nga ang mga tala sa kalangitan ay naging saksi narin. 

    Ang kahapon ay iba sa ngayon. Sa bawat paglipas ng panahon, iba't ibang pagbabago ang umahon. Alam mo ba kung sino at ano sanhi nito? Ang ngayon ay produkto ng kahapon. At ang kinabukasan ay magiging produkto ng kasalukuyan. Bilang tao na nabubuhay sa mundo, mayroon tayong pangangailanagan. Nasa mundo ang lahat. Lahat ng pangangailangan natin kayang ibigay nito. Pero, ang tanong " Naging mapasalamatin ba tayo sa lahat ng biyayang natanggap natin?" Hindi, imbis na magpasalamat naging hangal tayo. Hindi tayo nakuntento sa mga bagay na ibinigay nito at lalong naging tuso. Dati-rati ang kabundukan ay kulay berde dahil sa mga punong kahoy na nakabalot nito, ngunit ngayon naging mabuhangin ito. Bakit? dahil sa walang tigil na pagpuputol ng mga punong kahoy na naging sanhi ng pagguho ng lupa lalong lalo na sa mga lupain sa kabundukan. Hindi lang ang pagguho ng lupa ang masaklap na epekto ng walang tigil na pagputol ng mga punong kahoy. Binabago rin nito ang pattern ng klima sa daigdig. Nagkakaroon tayo ng Climate Change dahil dito. Ang masaklap pa ay mas humahaba ang panahon ng tagtuyo kung saan lumiliit ang ani ng mga magsasaka. At sa panahon ng tag-init, may bagyong biglaang darating resulta nito ang maliit na naman na ani.
Retrieve from http://atinglikasyaman.tumblr.com/post/94175046380/mga-masasamang-suliranin-ng-ating-likas-na-yamang?fbclid=IwAR3vNme4SGVz6keEolSEqDpHK9AmN3squf8VyEOtHkrLkhO8b5btIij6Ga0
    Maraming mga masamang epekto ang paggugubat o pagtotroso ngunit huwag mag-alala dahil hindi pa huli ang lahat, simula pa lamang ito. Marami pa tayong maggagawa. Isa  na rito ang reforestation. Ibalik natin sa kagubatan ang mga punong kahoy na pinutol natin dahil kung hindi maslalala pa ang magiging epekto nito sa kinabukasan at sa huli babalik lahat sa atin ang kasakiman na idulot natin sa kalikasan. Tandaan nating lahat na walang magandang maidudulot ang patuloy na pagputol ng mga punong kahoy kaya dapat  HUWAG KA MAGING TUSO AT ITIGIL MO NA ANG PATOTROSO PARA SA KABUTIHAN NG LAHAT NG TAO SA MUNDO!!

Retrieve from  https://www.istockphoto.com/videos/reforestation?offlinecontent=include&phrase=reforestation&sort=mostpopular

Retrieve by Rica Jean Herebias

Members: Marish Amaba, Sarah Jane Anoba, Diane Marie Cabantugan, Leydie Fatima Cabantugan, Ma. Dhanika Flores, and Rica Jean Herebias